Iisang Singsing, Dalawang Kuwento

HIYAS Maikling Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz Sinipat na mabuti ni Mang Miroy, ang kilalang platero sa Cervantes (ngayo’y Avenida Rizal), ang brilyante na nasa kaliwang palad niyang nakalahad. Maliit lamang iyon nang bahagya sa karaniwang butil ng mais. Ang sinag ng araw na galing sa durungawang bukas ay tumama sa batong sinusuri niya. Kumislap … Read more

Makinis at Bughaw ang Kabibi

Maikling Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz

Kinailangan muna ng Tadhanang maulila ako sa aking inang-suso bago mapaharap sa pakikipagsapalaran sa dibdib ng karagatan. Katulad ng ibang “lamang-dagat” ay nabuhay ako’t umunlad sa pagpapala ni Neptuno. Nasasaliksik\ ko ang burak sa kailaliman; naging kalaruan ko ang maliliit na isda, lalo na ang mga isdang gintong nagbibigay ng kulay at ligaya sa “tanghal ng
Katalagahan” sa tubig na kakulay ng abuhing langit; at naging taguan at kublihan ko ang halamang-dagat at lumot kung dumarating ang mga maninilang pating at iba pang dambuhala ng karagatan.

Read more

May Bagwis ang Pag-ibig


Maikling Kuwento ni Percival Campoamor Cruz

Kabanata 1 – Nangyari ang isang hiwaga

Malalim na ang gabi ay di pa nakauuwi si Tatay Dencio. Inip na inip na sa paghihintay si Kiko at si Neneng. Gutom na sila at walang mainit na pagkain. Ibig na nilang matulog upang malimutan ang gutom at ang pangambang baka may nangyaring masama sa kanilang ama. Nguni’t di sila makatulog.

Read more