MORE STORIES AT www.tagalogshortstories.net
Nagtapos ng Master’s in Business Admininistration (MBA) sa University of the Philippines; nasa pamatnugutan ng Philippine Collegian at The Guilder. Nagwagi ng unang gantimpala, maikling dula, “Kalupitan ng Nakararami“, 1963 Andres Bonifacio Centennial sa pagtangkilik ng Lungsod ng Maynila. Naging advertising executive ng Delta Motor Corp. (Toyota) – Reach, Inc. Lumikha ng mga newspaper, radio-TV ads para sa Toyota, Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine National Bank, Frigidaire, Hooven Aluminum, Zest-O, Mariwasa Tiles, Sharp, Pacific Memorial Plan, Sinclair Paint, at marami pang ibang institusyon at produkto. Producer, chief writer ng humigit-kumulang na dalawang-daang telenobela na lumabas sa Channels 2, 4, 7, 13 sa Pilipinas sa ilalim ng mga sumusunod na TV show titles – “Sa Paghawi ng Tabing” (host: Jaime dela Rosa); “Quiapo” (host: Eddie Rodriguez); “Hiyas” (host: Rio Locsin). Naging columnist ng Manila Bulletin (“Business Travel”) sa ilalim ng pamamatnugot ni Cornelio de Guzman. Kasalukuyan ay naninirahan sa California at sumusulat ng mga maiikling kuwento para sa tagalogshortstories.net at tagalogstories.com, at Asian Journal, ang pinakatanyag na pahayagan sa Amerika para sa Pilipino.